(nina firewomyn at oboids)
Hirap na hirap si Edong tumayo mula sa kinahihigaang patag.
“Ano ba ang nangyari sa akin. Nasa langit na ba ako? Ba’t andaming roses….”
Nakakaramdam si Edong ng kirot sa kanyang likuran. Masakit at mahapdi ang kanyang katawan.
“Bakit ang daming dugo? Oh my gosh! Iniistigmata atashi. Eto ay isang himala, nagbunga na ang aking panata kay ateh Judiel? Or eto ba ang tinatawag nilang period? Super late bloomer naman aketch!! ….Babae po ako! (singing to the tune of “Babae po ako” by Tuesday Vargas)”
Excited si Edong habang pinupunasan nya ng cotton buds ang dumudugo nyang likod at balikat, dito nya nagamit ang kanyang alam na flexibility in yoga and pilates. Habang nagpupunas ay napapasin nya na nawawala ang hapdi at sakit ng katawan nya. Dito nya na-realize na may mga sugat pala sya at Oh My Ghad unti-unting itong nawawala.
“Inangkupo! ano itong nangyayari sa akin!”, maloka-lokang pinapahiran ni Edong ng cotton buds ang kanyang likod. Hindi nya maintindihan kung anong kababalaghan ang nangyayari sa kanyang katawan.
Ang huli nyang naaalala ay ang himig ng paborito nyang awiting Close to You by the carpenters, at bigla na lang syang najilobels. In furhview, eh gumagamit naman sya ng nyundomey tuwing kumikyeme sya dahil yun ang turo sa kanya ng TLF noong umattend sya ng gender sensitivity seminar. Ininvite kasi sya ng kanyang friend na ukling sa isang Grand EB, akala naman nya ay may magaganap na SEB. Haler! Natakot pa nga sya dahil, puro vhaklers ang mga umattend, at di naman sya OUT. Ang lagi nyang chika sa kanyang mga nameet online ay straight curious lang sya, pero walang knowing ang mga utraks na M2M ang bet nya. Of course close friends nya lang ang knowing na princess talaga sya. Kung di lang dahil may cute na umattend na tingin ng tingin sa kanya ay hindi sya magiistay dun sa workshop.
Nung patapos na sya sa pag-clean up at pagmumunimuni sa dahilan kung bakit nahilo sya ay may narinig syang malakas na katok.
Kuya! Kuya! Tulooong!” ang pa-sigaw nyang narinig sa labas ng pinto.
Binuksan ni Edong ang pinto ng kayang bahay at bilis na pumasok ang kanyang batang kaibigan na si Lupita. Isa si Lupita sa mga close friend nya na nakakaalam sa kanyang hidden secret.
“Si Jonas, kinidnap…”
Bilang napatigil si Lupita sa kanyang kwento nang nakita nya ang isang lalaking matangkad, balingkinitan ang katawan at mahaba ang buhok.
“Sino ka?” ang mabilis na tanong ni Lupita sa lalaki.
“Haller! Sino pa nga ba? Eh pinuntahan mo nga ako dito sa bahay eh. At may sinasabi ka pang kidnap kidnap.” sagot ni Edong.
“Hindi kita kilala. Nasaan si Kuya Edong?”
“Ako si Edong gaga. Bulag ka ba?”
Nilabas ni Lupita ang kanyang powder compact. binuksan at pinakita ang salamin kay Edong sabay sabi:
“Sino ngayon ang bulag?”
Natulala si Edong sa nakita. Nagbago nga ang kanyang anyo, ibang-iba sa hitsura nya. Balingkitang lalaki ang kanyang nakikita sa salamin. My ghad, ampogi nya at ang lean ng kanyang features. Whew! Hotness!
Dahil ayaw nya malito ang bata, hindi na nya pinilit na maniwala sa kanyang transformation si Lupita.
“Ay oo, sorry ha, kaibigan ako ni Edong. Kala ko kasi kung sino ka.”
“Kaibigan ka ni Kuya Edong? tanong Lupita. “Eh asan si kuya Edong?”
“Bumili lang sya ng kape sa kanto.”
Napatingin si Lupita sa suot ng lalaking kaharap nya.
“Ang shala naman ng outfit mo atche! Sang perya naman ang punta mesh? In fairview teh, pasok sa budget ang boda mesh!” clap ng clap si Lupita.
Namula ng husto si Edong sa sinabi ng batang badet. Ngunit na-realize nya na kailangan nyang malaman agad ang nangyari kay Jonas. Si Jonas ang bestfriend ni Lupita, matagal ng magkakilala ang dalawang bata.
Tinanong ni Edong kung ano ang nangyari at bakit humihingi ng tulong si Lupita. Kinuwento ni Lupita ang nangyari sa Bundok ng Payatas at sinabing baka nasa panganib si Jonas.
Lumunok ng malalim si Edong, parang gusto nyang tumulong at sabay pabanguhin na rin ang buong Payatas. Parang gusto nyang i-beautify ang paligid at bigyan ng bulaklak ang bawat tao sa balat ng lupa. Habang nag-iisip ni Edong ng kanyang beautification plans, may mga bulaklak na lumalabas mula sa mga cracks sa dingding ng kanyang tahanan. Namangha si Lupita sa nakita. Pati Edong nagulat na rin. Sa ilang sandali, lumabas ang dalawa at bilis tinahak ang daan papuntang Bundok ng Payatas.
kamustahin naman ang katarayan ni EDONG wow dapat me bagong pangalan na siya bilang natatanging superhero ng Payatas – hehehe!
taray nito teh… sana maisakomiks/book ito at sana maisapelikula rin gaya ng Zsa Zsa Zaturnnah!
galing-galing mo naman teh.
can’t wait for the next chapter!!!!!
i wanna know what will hapend to the new sooper she-ro……………………!
hey nasan na new story
Mga bakla teka lang po muna, nagrecess lang ang mga ateh nyo dahil nagbibisibisihan sa trabaho. Give us a moment to meditate and we will continue the story telling a lie as soon as maintindihan namin kung ano ang ibig sabihin ng firewall at kung saan sya ginagamit (mag tetrain kasi kami sa technical account and my ghad wala akong alam sa mga punyetang socket na yan!). LOL!
hahaha, smells as sweet.
^_^
world peace