Feeds:
Mga Paskil
Mga Puna

006: Team Dragonotes

***

Sa Maynila, ang MMDA ay gumagawa ng sari-saring paraan upang maging malinis, maganda at makulay ang siyudad. Kasama sa kanilang mga proyekto and pag-linis at pag-buhay sa Ilog Pasig.

Isang proyekto sa ilalim ng Pasig Linis Group o PALIGRO, ay ang pag-import ng sang damakmak na janitor fish para makatulong sa pa-linis sa tubig. Dahil sa tagumpay ng proyekto na ito, dumating na ang PALIGRO sa pinaka-hihintay na pag-revive sa marine life ng Ilog Pasig – ang pag dala dito ng ibat-ibang klase ng isda para muling magkaroon ng fishy residents ang ilog.

Dahil sa naubusan sila ng pera sa pagbili ng anito fish, kinailangan na nila ulit funding. Lumapit ang PALIGRO kay Erica Lopez, ang mayamang dalaga na presidente ng Alpha Beta Max Sorority at kay Jonathan Livings Tan, ang mayamang binata na presidente ng Triple Gamma Fafa Fraternity para humingi ng suporta.

Isang Sabado, nag eye ball meeting ang mga miyembro ng 3 grupo sa Gold’s Gym, ang paboriting tambayan ng Alpah Beta Max at Triple Gamma Fafa upang pag-usapan ang proyekto. Na-interes ang mga sor girls at frat guys sa proposal ng PALIGRO ngunit dahil concerned sila tungkol sa kung sino ang hahawak ng pera, napagpasyahan ng 2 grupo na sila nalang ang bibili at maglalagay ng fish sa Ilog Pasig. Pumayag naman ang PALIGRO sa mga kondisyon ng mga mayayamang bata.

Nung umalis na ang PALIGRO, lumapit sa Alpha Beta Max Sorority at Triple Gamma Fafa Fraternity and gym instructor na si Zach. Sabi ng machong gym instructor na nag-ju-jumping rope in place na may kilala syang supplier ng mga fish na pwede tumulong upang maka-import ng mga fish para sa Ilog Pasig. At dahil si Zach ang personal fitness consultant ni Jonathan Livings Tan, agad nila ipinagkatiwala dito ang pag-order at pag lagay ng isda sa Ilog Pasog.

***

Lumipas ang ilang oras at sa Bundok ng Payatas, makikita natin na nag-re-report si Dragon Z sa kanyang boss na si Dragon N.

“May bagong proyekto ang PALIGRO, Alpha Beta Max Sorority at Triple Gamma Fafa Fraternity! Nais nilang buhayin muli ang Ilog Pasig sa pamamagitan ng pag-lagay ng mga imported na isdang ilog dito. At dahil pinagkakatiwalaan ako ng lider ng Triple Gamma Fafa, sa akin kinontrata ang pagbili at paglagay ng mga isda sa ilog.”

“Kailangan ma-aksyonan agad ang kontrata na yan. Sabihin natin kay Big G.”

Pumasok ang dalawa sa isang kwarto sa kailailaliman ng bundok ng basura at doon tumayo sila sa labas ng isa pang silid at bumigkas.

“Boss! Mayroon pong binabalak ang PALIGRO, Alpha Beta Max at Triple Gamma Fafa.” sabi ni Dragon N

Mula sa silid ay may isang malaking anino na nagpakita sa pintuan at isang malaking boses na narinig sa super high-tech na speaker system.

“Alam ko na ang balita! Napanood ko na sa PressCon at narinig ko na ang mga detalye. Kailangan hindi matuloy ang proyekto na yan. Dragon N, tumawag ka ngyun din sa ating suking petshop sa Amazon River. Wag ka gmamit ng NDD, mahal yan! Gumamit ka ng phone card!”

May phone card na lumipad mula sa loob ng silid.

Dahang-dahang dinayal ni Dragon N ang number ng Amazon at nung na-ring ay inilapag nya ang cellphone, malapit sa pituan kung saan makikita ang higanting anino.

Isang back-scratcher na korteng kamay na binili sa Baguio ang kumuha sa cellphone.

arrow_030.gif

007: Si Jeopardina

Location: Gold’s Gym

Mabilis ang takbo ng aerobics class na sinalihan ni Erica. Wala silang ginawa buong magdamag kundi mag-run around the room, run the other way, run with a partner at run in place. At kahit naman ganun ka-simple ang class, nag-enjoy si Erica dahil sa cutie na aerobics instructor na si Walter. Mahilig kasi ang dalaga sa mga machobelles na guys, ngunit pagkatapos ng class nya ay mabilisang umalis si Walter papunta sa part-time job nito.

Lagi naman ganyan! Nagmamadali at ayaw makipag-chit chat ni Walter. Lahat nalang ng type ko ganyan, parang iniiwasan ako. Ang hirap naman kasing kumareer ng guys kapag super-rich katulad ni akish! Ba’t kaya…?”

Habang nag-she-shave ng legs sa shower room, biglang naisip ni Erika yung nakilala nyang si lola diwata. Totoo nga kaya ang sabi ni lola? Kung ganoon ka simple ang proseso, wala namang harm i-try diba?

Nilabas nya ang CD-R King na mp3 player at tinitigan ito.

Wish ko lang totoo ‘to. Baka naman pirated ang song at hindi mag-work ang sistema ni lola.”

Pumunta si Erika sa kanyang exclusive gym room. Pagkakandado nya sa kwarto ay tinitigan nya ng husto ang mp3 player. Excited si Erica na may halong kaba habang kanyang ino-on ito.

Umilaw!

Tumugtog ang intro-music!

Nag-blink!

Namatay.

I knew this player will fail! Low batt…. ” sambit ni Erika habang binubuksan ang kanyang laptop computer.

Ipinasok nya sa USB port ng kanyang umaandar na laptop ang mp3 player. Naghintay sya. Nagsimula ang tema ng Selecta Ice Cream….

Sa pagulit-ulit ng tugtog, nahilo si Erika. At sa salamin na kanyang tinitignan, unti-unti nyang nakita ang pagbabago sa kanyang anyo.

Para syang napunta sa Twilight Zone ng Twighlight Zone! Ang kanyang buhok na dati’y styled by James Kuper ay ngayo’y naging mahahabang tirintas. Imbis na yung dati nyang green-eyes na contact lenses ay nagkaroon sya ng bilog na salamin sa mata. At ang kanyang dating sleeveless na uniporme ay nagkaroon ng sleeves!

Oh my Almighty Supreme Force (god)! I have transformed into a very aesthetically challenged (ugly) person! I can’t believe it…. I was scammed by the senior citizen (old) lady!”

Habang nilalait ni Erika ang kanyang pisikal na itsura, di nya napapansin na unti-unting nagbabago ang kayang kapaligiran.

Mali ata ang song ni lola fairy! Bakit ako ganito magsalita? Parang ang dami kong alam. Nababaliw na ata ako…. Nasaan na nga pala si Edong-baby?”

Isinabit ni Erika ang mp3 player sa kanyang sinturon. Malungkot syang na huminga ng malalim at ipinikit ang kanyang mga mata. Hindi nya napansin na nawala ang higanteng salamin sa harap nya at nung sya’y dumilat, nagulat sya sa kanyang nakita. Isang malaking bundok ng basura!

***

Location: Payatas

Anong ginagawa ko dito sa economically oppressed zone na ito? Andito kaya si Edong?”

Tumayo sya at tumingin sa kanyang paligid. Di malayo sa kitatayuan nya ay may nakita syang dalawang tao. Isang bata na may kasamang lalaki na parang may hinihintay. Lumapit sya sa dalawa at kinalabit ang bata.

Excuse me, may hinahanap po akong kaibigan.”

Tumingin din ang lalaki sa kanya at sya’y nabigla.

*Regal Shocker sound effects*

(pa-bulong) Ang kanyang mga mata! Kilala ko ang titig na yan. Si Edong! Baka nakasalamuha nya rin si lola fairy at nagbago na rin ang anyo nya.”

Habang nag-re-recover sa shock si Erika, sumagot ang bata.

Ate, kami lang ang tao dito. Wala pong iba. Ako po si Lupita. Sya po si…”

Isa akong kaibigan.” ang sagot ni Edong.

At ako naman si … E…(play game-show theme) Jeopardina!” ang mabilis na sagot ng uber-talino na makabagong Erika.

Nag-usap ang tatlo at mabilis na nalaman ni Jeopardina ang pag-kidnap kay Jonas. Dahil sa sobrang gusto nya makasama si Edong, iprinisinta nya ang tulong nya.

Tahimik nilang hinintay ang trak na sakay ng Hukbo ng Gising na Nota.

***

Lumipas ang ilang segundo at narinig nila ang motor ng isang malaking sasakyan.

Anong gagawin natin?” sabi ni Lupita

Kakausapin ko lang sila, baka naman pwede idaan sa usapan.” ang mahinahon na sagot ni Edong.

Sasama ako.” sabay tayo ni Jeopardina

Nag-tangkang gumapit ang dalawa sa naka-park na trak. At habang papalapit ay nakita nila ang isang bata na nagbubuhat ng mga kahon mula sa loob ng trak papalabas sa mga malalaking lalaki.

Si Jonas….” ang pabulong na sabi ni Edong kay Jeopardina

Puntahan natin.” sagot ni Jeopardina

 

Biglang may malaking kamay na humawak sa balikat ni Jeopardina. Si Dragon W!

Sino kayo at anong ginagawa nyo dito?! Bawal ang ibang tao dito.” ang malakas na pahayag ni Dragon W

Nais namin sunduin ang aming kaibigan.” ang sabi ni Edong habang tinuturo ang batang nagbubuhat ng kahon.

Hindi maari! Nag-trespass sya dito kanina, at yan ang kanyang parusa– na pagsilbihan kami ng hanggang sa gusto namin! At yan din ang mangyayari sa inyong dalawa!” sinunggaban sila ni Dragon W

Sa gulat ni Edong biglang may umusbong na matataas na sunflower sa harap ng gulat na gulat din na Dragon W.

Anong ibig sabihin nito ?!?” galit na galit na sabi ni Dragon W habang sinisira ang bakod ng sunflowers.

 

Nakawala si Dragon W sa matataas na sunflower at inuna sugurin si Edong, dahil sa kaba ng ating bida, may mga sari-saring bulaklak na lumitaw sa dinadaanan ng galit na Dragon. At dahil gusto protektahan ni Jeopardina ang kanyang lovey-doods, sumigaw sya!

Tigil!” ang malakas na sigaw ni Jeopardina

Pasugod pa rin si Dragon W…. Humarang si Jeopardina sa harap ni Dragon W, itinaas ang kayang mga kamay at sumigaw ng pagigil!

HA!”

May enerhiyang lumabas sa bibig ni Jeopardina na tumama kay Dragon W. Lumutang sa ere si Dragon W at hindi maka-galaw. Sa likod nina Edong at Jeopardina, biglang nakita nilang papaalis na ang trak na sakay si Jonas. Hinabol ni Edong ang trak.

Saan nila dadalhin ang aming kaibigan? Ha!” Hindi mapigilan ni Jeopardina ang “Ha” na lumabas sa kanyang bibig.

Hindi ko alam! Ahhhhhhh (bzzt bzzt!!)!”nakuryente si Dragon W pagkatapos nyang magsinungaling.

(pa-isip) Dapat pala totoo ang sabihin nya para makalaya sya sa pagiging frozen meat.” ang sabi ni Jeopardina sa kanyang sarili.

Yung totoo, kundi, di ka makakalaya!

Hindi umimik ang Dragon.  Di napapansin ni Jeopardina ang unti-unting pag-nipis ng enerhiyang nakabalot sa kalaban.  Sa pagkakataong nahulog si Dragon W sa lupa, ito’y tumayo at kumaripas ng takbo.

(itutuloy)

005: Si Bhloom

(nina firewomyn at oboids)

Hirap na hirap si Edong tumayo mula sa kinahihigaang patag.

“Ano ba ang nangyari sa akin. Nasa langit na ba ako? Ba’t andaming roses….”

Nakakaramdam si Edong ng kirot sa kanyang likuran. Masakit at mahapdi ang kanyang katawan.

“Bakit ang daming dugo? Oh my gosh! Iniistigmata atashi. Eto ay isang himala, nagbunga na ang aking panata kay ateh Judiel? Or eto ba ang tinatawag nilang period? Super late bloomer naman aketch!! ….Babae po ako! (singing to the tune of “Babae po ako” by Tuesday Vargas)”

Excited si Edong habang pinupunasan nya ng cotton buds ang dumudugo nyang likod at balikat, dito nya nagamit ang kanyang alam na flexibility in yoga and pilates. Habang nagpupunas ay napapasin nya na nawawala ang hapdi at sakit ng katawan nya. Dito nya na-realize na may mga sugat pala sya at Oh My Ghad unti-unting itong nawawala.

“Inangkupo! ano itong nangyayari sa akin!”, maloka-lokang pinapahiran ni Edong ng cotton buds ang kanyang likod. Hindi nya maintindihan kung anong kababalaghan ang nangyayari sa kanyang katawan.

Ang huli nyang naaalala ay ang himig ng paborito nyang awiting Close to You by the carpenters, at bigla na lang syang najilobels. In furhview, eh gumagamit naman sya ng nyundomey tuwing kumikyeme sya dahil yun ang turo sa kanya ng TLF noong umattend sya ng gender sensitivity seminar. Ininvite kasi sya ng kanyang friend na ukling sa isang Grand EB, akala naman nya ay may magaganap na SEB. Haler! Natakot pa nga sya dahil, puro vhaklers ang mga umattend, at di naman sya OUT. Ang lagi nyang chika sa kanyang mga nameet online ay straight curious lang sya, pero walang knowing ang mga utraks na M2M ang bet nya. Of course close friends nya lang ang knowing na princess talaga sya. Kung di lang dahil may cute na umattend na tingin ng tingin sa kanya ay hindi sya magiistay dun sa workshop.

Nung patapos na sya sa pag-clean up at pagmumunimuni sa dahilan kung bakit nahilo sya ay may narinig syang malakas na katok.

Kuya! Kuya! Tulooong!” ang pa-sigaw nyang narinig sa labas ng pinto.

Binuksan ni Edong ang pinto ng kayang bahay at bilis na pumasok ang kanyang batang kaibigan na si Lupita. Isa si Lupita sa mga close friend nya na nakakaalam sa kanyang hidden secret.

“Si Jonas, kinidnap…”

Bilang napatigil si Lupita sa kanyang kwento nang nakita nya ang isang lalaking matangkad, balingkinitan ang katawan at mahaba ang buhok.

“Sino ka?” ang mabilis na tanong ni Lupita sa lalaki.

“Haller! Sino pa nga ba? Eh pinuntahan mo nga ako dito sa bahay eh. At may sinasabi ka pang kidnap kidnap.” sagot ni Edong.

“Hindi kita kilala. Nasaan si Kuya Edong?”

“Ako si Edong gaga. Bulag ka ba?”

Nilabas ni Lupita ang kanyang powder compact. binuksan at pinakita ang salamin kay Edong sabay sabi:

“Sino ngayon ang bulag?”

Natulala si Edong sa nakita. Nagbago nga ang kanyang anyo, ibang-iba sa hitsura nya. Balingkitang lalaki ang kanyang nakikita sa salamin. My ghad, ampogi nya at ang lean ng kanyang features. Whew! Hotness!

Dahil ayaw nya malito ang bata, hindi na nya pinilit na maniwala sa kanyang transformation si Lupita.

“Ay oo, sorry ha, kaibigan ako ni Edong. Kala ko kasi kung sino ka.”

“Kaibigan ka ni Kuya Edong? tanong Lupita. “Eh asan si kuya Edong?”

“Bumili lang sya ng kape sa kanto.”

Napatingin si Lupita sa suot ng lalaking kaharap nya.

“Ang shala naman ng outfit mo atche! Sang perya naman ang punta mesh? In fairview teh, pasok sa budget ang boda mesh!” clap ng clap si Lupita.

Namula ng husto si Edong sa sinabi ng batang badet. Ngunit na-realize nya na kailangan nyang malaman agad ang nangyari kay Jonas. Si Jonas ang bestfriend ni Lupita, matagal ng magkakilala ang dalawang bata.

Tinanong ni Edong kung ano ang nangyari at bakit humihingi ng tulong si Lupita. Kinuwento ni Lupita ang nangyari sa Bundok ng Payatas at sinabing baka nasa panganib si Jonas.

Lumunok ng malalim si Edong, parang gusto nyang tumulong at sabay pabanguhin na rin ang buong Payatas. Parang gusto nyang i-beautify ang paligid at bigyan ng bulaklak ang bawat tao sa balat ng lupa. Habang nag-iisip ni Edong ng kanyang beautification plans, may mga bulaklak na lumalabas mula sa mga cracks sa dingding ng kanyang tahanan. Namangha si Lupita sa nakita. Pati Edong nagulat na rin. Sa ilang sandali, lumabas ang dalawa at bilis tinahak ang daan papuntang Bundok ng Payatas.

arrow_030.gif

004: Si Lupita

(nina Firewomyn at Oboids)

Location: Bundok ng Payatas
Time: 04:30 am

May isang warehouse ng hair-straightening chemicals na matatagpuan sa gilid ng man-made na bundok na matatagpuan sa Payatas malapit sa Batasan Complex, ilang kilometro ang layo sa DSWD.

Maraming nagtataka kung bakit andaming truck ang paruo’t parito sa warehouse tuwing madaling araw. Ayon sa mga batang badet na pagalagala sa kalye kasama ang kanilang mga kaibigang nyota-nyotatalets, limang lalaking malalaki at bato-bato ang katawan ang madalas makitang sakay ng mga nasabing truck.

“Ano ba yan atche! Sinik lavu ang mga minchubels!” pabulong na wika ni Lupita sa kanyang bestfriend at long-time crush at kalaro ng patintero na si Jonas.

Tiningnan lang sya ni Jonas at tinapik ang daliring ni Lupitang nakaturo sa truck na nakaparada sa tapat ng warehouse. “Ang sabi ng Lola ko wag daw magtuturo tuwing gabi sa bundok na yan. Kagatin mo yung daliri mo Luis para nde ka maengkanto.”

“Jonas naman! Lupita ang namechung kesh!” Sabay kagat nya sa kanyang hintuturo.

“Tara puntahan natin yung truck.” Hinila ni Jonas ang hand ni Lupita at feel na feel naman ng batang badet ang paghawak sa kamay nya ni Jonas. Parang ang haba ng buhok ni Lupita habang patakbo syang sumusunod sa hila ni Jonas. Iniimadyin ni Lupita na sya ay isang princess at si Jonas naman ang kanyang knight in shining armor, at ito ang kanilang unang date. Harsh nga lang dahil madaling araw. Maaga kasi silang nagigising at pumupunta sa bundok para mas marami kasi silang makukuhang trash na pwedeng ibenta sa junk shop.

Nagtago ang dalawang bubuwit sa mga bushes para nde makita ng mga boys ng warehouse. Nalokah si Lupita ng makita nya ang limang lalaki na malalaki at bato-bato ang body. Nakasuot ang mga ito ng Gold’s Gym shirt with matching pink rubber shoes habang kine-carry nila ang mga boxes na according to the bulung-bulungan ay mga hair products ang laman.

Dahil madilim pa at hindi pa sumisikat ang araw ay hindi mabasa ni Lupita ang print sa likod ng pants ng mga macho boys na nagbubuhat ng mga boxes.

“..Dra..gon.. Hmmmm!” Hindi gaanong mabasa ni Lupita ang prints kaya tinry ni Bakla na lumapit ng konti sa truck.

“Dragon…Z” Napabungisngis si Lupita, bagay na bagay ang pangalan nakatatak sa bandang puwitang pantalon ng macho-papa. “Member’s ata sila ng Dragon Balls atche!”

“SINO YAN!” Narinig ata ni Dragon Z si Lupita. Palapit ang mama sa kinatataguan nilang bushes. Pinisil ni Jonas ang kamay ni Lupita at tiningnan sabay nginitian ng malambing. Syempre kinilig ng subra si Lupita, na may halong kaba dahil sa danger na nakaambang sa kanila.

Saglit na tiningnan ni Jonas si Lupita, at bago pa makalapit ang mama sa kanilang pinagtataguan ay biglang tumayo si Jonas at tumakbo ng matulin palayo sa kinatataguan nilang bushes.

Hinabol si Jonas ng mga mamang nakaGold’s-gym shirt. At sa kinasamaang palad ay inabutan sya. Hinila ng mama ang batang si Jonas sa truck at kitang kita ni Lupita ng ibinalibag ang batang lalaki sa loob ng truck.

Hindi mapigilan ni Lupita ang sarili…TUMILI!

“Ayiyiyiyiiiieeeee!” Sigaw ni Lupita, yung parang tili lang ni Xena the Warrior Princess.

Napatingin ang limang lalaki sa batang badet na patakbong sumusugod sa kanila.

“JOOONAAAS!” luhaang sigaw ni Lupita sa limang evildudes!

“Ilabas nyo si Jonas. Please! Friend ko po yan, parang awa nyo na po. Ako na lang po ang kunin nyo. Wag na po sya, TOP po kasi yan eh! Parang awa nyo na po. Ako po, bottom ako! Kaya ko po kahit ano, please!” Nagmamakaawang plea ni Lupita.

“Sino ka? At anong ginagawa nyo dito? Alam nyo ba na bawal ang magpagala-gala dito malapit sa warehouse! Hindi na kayo nasanay, sadya talaga kayong pasaway! Wala kaming magagawa sa kaibigan mo, dadalhin na namin sya sa warehouse. May nakahandang parusa para sa mga katulad nya. At ikaw naman, wag na wag mong ipagkakalat ang nakita mo dito ngayon, kung hindi’y mapipilitan kaming ipulutan ang kaibigan mo.”

“Sino po ba kayo?”

Sabay-sabay na nagformation ang limang lalaki at nagpakilala.

“Ako si Dragon W!”, sigaw ng mamang naka white leotards, white armbands at white headband.

“Ako si Dragon X!”, sigaw ng mamang naka red leotards, red armbands at red headband.

“Ako si Dragon Y!”, sigaw ng mamang naka yellow leotards, yellow armbands at yellow headband.

“Ako naman si Dragon Z!”, sigaw ng mamang naka blue leotards, blue armband, at blue headband. Sya rin ang nakahuli kay Jonas at nagbalibag dito sa loob ng truck.

Mula sa likuran ng sasakyan ay lumabas ang isang maliit na mama. Naalala ni Lupita ang paboritong show ng kanyang sumakabilang buhay na Ina (Sumalangit nawa!) ang Ewoks! Nakapink eto na leotards, pink na armband at pink na headband.

“At ako naman si Dragon N, ang lider ng mga Dragon ng Hukbo ng mga Gising na Nota, or Awakened Notes Dragon in English.”

“W, X, Y, N, Z!” Papaisip si Lupita, ng biglang may pumalo sa kanyang batok at nakatulog sya…

……….

Mataas na ang araw ng magising si Lupita, ang huling naaalala nya ay ang formation ng limang myembro ng Dragonites! Wala na si Jonas! Wala na ang kanyang bestest friend.

arrow_030.gif

 

003: Si Erica

(nina Firewomyn at Oboids)

Location: Forbes Parking Lot
Time: 07:00 am

Alas-siyete ng umaga, papasok pa lang sa exclusive school for the girls – College of St. Bridgette’s- ang sosyal na kolehiyalang si Erica na nagmumunimuni sa loob ng kanyang Ford Expedition. Maloka-loka na sa kakaisip sa kanyang latest eye-candy, ang machong taga-hila ng bangka sa Ilog Pasig na nagngangalang Edong.

Una nyang nakita si Edong-baby nung minsang ibinaba nya ang window ng kanyang car habang binabaybay nila ang eskinita ng Bagong Ilog. Nainlababu agad si Erica nang makita nya ang nagkikintabang muscles ni Edong habang hinihila nito ang bangkang sinasakyan patawid ng Pasig. Sa hindi malamang dahilan, ay nakakaramdam si Erica ng kiliti sa twing nakikita nya si Edongski (Kilig pet name nya for Edong-baby). Hindi nya napipigilan ang magpagirl-laugh twing masisight nya ang kanyang super papah. Mula nuon ay hindi na makalimutan ni Erica ang mga nagtutuluang pawis sa basang katawan ng mala-Cosmopolitan cover boy na si Edong.

May isa lang uber turn-off kay Edong, ang kanyang mala Jose Rizal hairstyle na ginamitan ng cheafanggang hairgel.

Matagal na rin gustong isali ni Erica si Edong sa show na Queer Eye for the Straight Guy para makakuha ng isang make-over para palitan ang hairstyle ng kanyang super crush. But for some freaking crazy reason (punyetang traffic sa EDSA!) ay naleyt sya sa Presscon ng Fab5 sa MOA.

At dahil sa gusto nyang makilala ng lubos ang misteryosong bangkero para mai-share dito ang kanyang mga natutunang good grooming tips from her Alpha Beta Max Sorority sistahs sa Bridgette’s, and of course to also see to it that her man upgrades his super cheap gel to Gatsby, ay nakaisip sya ng modus operandus. Araw-araw, bago pumasok sa school, nag-papa-drop off siya sa kanyang chauffeur sa istasyon ng hila-bangka at tinitiis nyang sumakay sa oh-so-dirty na canoe para tumawid ng ilog. Of course, she sees to it na magmemeet ang mga mata nilang dalawa ni Edong-baby. Sa pagkatawid, tsaka sya sinusundo muli ng kanyang kotse sa kabilang bank.

Sa loob ng dalawang araw ay ganito ang naging routine ni Erica. Dahil dito, unti-unti nyang nakikilala ang kayang kina-kareer na si Edong, nalaman nyang the man is very shy and seems to be so into his making hila-hila the boat to the other side that he barely notices her $1000 Anne Klein shirt.

Matagal na syang nagpapahiwatig ng kanyang pakay na pagupitan, i-manicure, i-pedicure at i-hot oil sa Bench Fix Salon ang binata ngunit sa sobrang tinagal ng dalawang araw nyang pagpaparinig (tiglilimang segundong palitan ng salitang “Hi”) kay Edong, ay parang wala itong naririnig.

Anyweyz, ngayon araw na ito ay buo na ang loob ni Erica na mapasakanya ang kanyang uber fafa. She reminded herself that she can always get whatever she wants as long as she puts her mind to it. And she can still remember those happy days when she dated the boys of College of St. Agustin’s – the Gamma Gamma Gamma boys also known as Triple Gamma Fafa.

Wala pa ang driver nya kaya pinasya nyang hintayin nalang ito. At para hindi ma-bagot ang dalaga, sya ay nag-chess na kalaro ang sarili. At finally, pagkatapos ng ilang panalo nya sa chess, dumating din ang kanyang tsuper. Nag-iinit ang ulo at paa ni Erica habang tina-travel ng driver ang daan papunta sa istasyon ng hila-bangka. Dumating sila doon ng alas-otso singkwenta na! At…AWOL ang kanyang knight in shining ropes.

“Dammit!”, she said to her sarili.

Mas-lalong nagalit ang spoiled na dalaga ngunit dahil nandoon na sya sa istasyon, sumakay na rin sya ng bangka.

Habang hinihila ng isang di kasing gwapo ni Edong na lalaki ang bangka, may nakapansin sa mayamang nakasimangot na si Erica. Isang matandang babae ang lumapit at humingi sa kanya ng tulong. Dahil mabait naman si Erica, binigyan nya ng tseke ang matanda na may halagang 11 pesos. Tuwang tuwa ang lola at nung nakarating ang bangka sa kabilang pampang, ay kinausap sya nito.

“Ako ay isang diwata! Dahil ikaw ay isang mabait na tao, bibigyan kita ng isang kahilingan. Kahit ano! Wag lang house and lot, kayamanan, pera, manalo sa lotto, gumanda, tumangkad, yumaman, sariling negosyo, asawa, panibangong kotse, makarating sa ibang bansa o iba pang bawal ayon sa Philippine Constitution, Bill of Human Rights, Animal Rights at Code of Conduct ng mga Call Center. Wag lang yon, pero kahit ano pa ang hilingin mo, ibibigay ko.”

Sinubukan ni Erica mag-isip ng mabuti. Ano ba ang pinakamahalagang kailangan nya ngayon?

Jisip-jisip. Jisi-jisip ng aver.

Dahil sa sobrang hirap sya sa pag-iisip at kailangan ng umalis ng diwata para mag-pa-parlor, mag-SM at i-encash ang tsekeng worth 11 pesoses, nagpasya ang dalaga na hilingin ang pag-ibig ni Edong! Natawa ang diwata. Hindi ito sumang-ayon dahil ayon sa small print ng Bill of Animal Rights, bawal mag-bigay ang isang diwata sa kahit kanino man ng pag-ibig ng ibang tao.

Napahagulgol si Erica sa narinig. Inilabas nya ang kanyang $24 Prada Hanky para punasan ang kanyang nangingilid na tears.

At dahil sa ayaw ng diwata na bumaha ng luha sa kinatatyuan nilang gutter, sinabi ng diwata na iba nalang ang ibibigay nya. Ibibigay nya kay Erica ang abilidad na laging makasama si Edong tuwing panahon na kailanganin sya ng machong bangkero. Hindi lubos maintindihan ni Erica ang binigay ng diwata ngunit ito’y tinanggap pa rin nya para lang makasama nya si Edong-baby.

Binigyan ng diwata si Erica ng isang CD-R King na mp3 player na may nag-i-isang kanta, ang tema ng Selecta Ice Cream.

“Lolah naman you’re so cheap ha!”

Babawiin sana ng lola, pero biglang naiyak si Erica. So binigyan sya ng diwata ng short instruction. Kailangan lang patugtugin ni Erica ang player at sya ay ma-ta-transport na sa lokasyon ni Edong. Ngunit kapag hindi sya na-transport, ibig sabihin nun ay hindi kailangan ni Edong ang tulong nya.

arrow_030.gif

002: Si Edong

Napaisip si Edong.

“Siniklavu ang nagtexticles ke atachi? Baladj itriks! I’m sure this is one of those freaking chain text messages another! Errrgh! I am sure si Baklang Karlita itriks at pinagtritripan na naman ako ng walang maller na ThunderCats! Imbyerna talaga si Mother!”, inis na inis na pabulong na sambit ni Edong habang nagpapapadyak si bakla sa sala.

Itatabi na sana ni Edong ang kanyang Nokia 3210 phone na nakatali ng pink na rubber band para nde malalaglag ang baterya, ng biglang tumunog ito ulit.

 

BEEP BUZZZ BEEP BUZZZ BEEP (the small jeep is running down the street…) BUZZ

Halos mapigtas ang goma ng phone ng lola mesh sa kakavibrate pero bago pa tuluyang mag VOLTS OUT ang kanyang uber sosyal na rubberized cellphone ay nakareceive ulit sya ng isang message!

“Hoy ina-asthmang fallopian tube! Bigkasin mo yung chant sa una kung text message! Kailangan ko ng mag-fly ateh! That chant is your ticket to success, and always always remember that I will always watch over you anak. This is your Mother, Ateh Siena. And before I forget, for every purchase of Pagoda Cold Wave lotion you get one bottle FREE!

“And before I truly end this text message, I shall leave you with words of wisdom from the great Mother Gaea –

Kapag maglalaba, ihiwalay ang puti sa de-color!”

Nangilid ang isang patak ng luha sa kanang mata ni Edong, sa mensaheng nareceive. For the first time in his life, ay nakaramdam sya kirot sa kanyang puso. Yun bang tinatawag na heart burn. Si ate Siena, sya ang inspirasyon nya nuong bubuwit palang sya. Naalala nya tuloy ang kanyang childhood, nuong mga panahong nagkacutting class sya para manuod ng Batibot, yung show pagkatapos ng “U-Morco Lakas Tao” ng PTV 4.

Binasa ni Edong ang mensahe ni Ateh Siena sa cellphone.

“Anere sumere…”

Nakakaramdam si Edong ng init na dumadaloy sa kanyang mga palad habang binabasa ang chant sa text message.

“Kemerekere…”

Naalala ni Edong ang paborito nyang pelikula nuong kabataan nya, ang EXORCIST, na pinabibidahan ng tita nyang si Linda Blair. Naisip ni Edong na baka sinasapian sya ng masamang espirito, at mag360 degree turn din ang kanyang ulo. Syempre afraid si bakla na magulo ang kanyang kakaayos na hairdo – mala Jose Rizal hairstyle for more shumin look na pinakintab at pinaflat ng Michael hairgel na mabibili sa pinakamalapit na suking tindahan sa halagang 5 pesos.

“Asunta de rossi hapi hapi sam milbe bekebeke…”

Gusto na sanang itigil ni Edong ang pagbigkas sa chant, pero para bang may kakaibang lakas na komokontrol sa kanyang bibig, ayaw papigil ng enerhiyang sumisirit sa loob ng kanyang katawan. At tila magkahalong takot at sarap ang kanyang nararamdaman, nde tuloy nya napigilan ang kanyang…

“ooooohhhh!” pag-ungol.

“Kalachuchi gumamela bougainvillea nova villa. Ahhhh HA! Oooohhhmmm!”

Napapaliyad ang ating bida sa bawat bigkas nya sa bawat pantig ng mga salita ni ateh Siena. Sa bawat pag-igtad at pag-endayog ng kanyang katawan ay ang paglikha ng sipol, ng isang himig sa tono ng kantang Close to You ng The Carpenters. Di mapigilan ni Edong ang malanding pagsayaw sa saliw ng awitin, ang bawat galaw nya ay mala naengkanto ng diwata ng tatarin…

Nahilo si bakla.

Hinimatay.

At ng muling mamulat kinaumagahan ay kanyang nakita ang isang daang rosas na tumubo sa papag na kanyang kinahihigaan.

“Aray! Masakit koya!” Duguan ang balikat at likuran ng ating bida, mula sa mga tinik ng rosas na tumubo sa sahig.

arrow_030.gif

 

001: Ang Simula

(nina Firewomyn at Oboids)

Noong Unang Panahon

Kahapon ng ala una-imedya ng madaling araw, habang tulog pa ang mga hindi nagtatrabaho sa call centers, may isa pang nilalang na di pa dinadalaw ng antok.

Nakaupo si Edong sa may hagdanan ng kanyang tinitirahan at nangangarap. Bata pa lamang siya ay kanya ng ninanais na sumali sa Bb. Pateros competition, magtayo ng sariling talyer at maging isang Charlie’s Angel! Ngunit dahil sa di sinasadyang paglaro ng tadhana sa kanyang buhay, siya ngayon ay isang ulila na naghahanap-buhay bilang taga-hila ng bangka sa Ilog Pasig.

***

Sa kabilang dako ng Ilog Pasig, kahapon din ng ala una-imedya ng madaling araw, ang alien na si Ate Siena ay naghahandang bumalik sa kanyang planeta pagkatapos ng kontrata niya sa MMDA. Bago sya umalis, nakipagkita muna sya kay Darna upang maipasa ang kanyang super powers para maipagpatuloy ang kanyang misyon na tulungan ang MMDA sa kanilang Manila Beautification Project. Dahil sa walang dalang papel at ballpen si Darna, pinagsangayunan nilang dalawa na itawag o i-text nalang ni Ate Siena ang kanyang mga bilin.

***

Habang nag-mu-munimuni si Edong, biglang tumunog and kanyang Nokia 3210 na cellphone na binili nya ng 100 pesos sa mga snatcher ng Divisoria. At syempre dahil mura lang ang kanyang bili, forever naka-level 5 ang beep beep tone nito. Halos mahulog sa kinauupuang hagdanan si Edong ng kanyang marinig ang ringtone nyang “How Do I Live” ni Trisha Yearwood. Bilis nyang hinalungkat ang box ng kanyang mga pirated na VCD para hanapin ang kanyang cellphone. Palakas ng palakas ang ringtone ng cellphone at hindi pa rin nya ito mahanap!

“TOK!” Binato ng kanyang nagising na kapitbahay ang lawanit na naghahati sa kanilang tagpi-tagping pader. “Ano ba yang pakshet na cellphone mo Edong! Magpatulog ka naman chong!”, si Mang Nestor kubrador ng huweteng sa plaza.

Pagkatapos batuhin ng tsinelas ng kanyang kapitbahay ang dingding ay biglang tumigil ang pag-ring ng cellphone. Napagbuntunghininga si Edong. Sa kakalinga-linga ni kuya na parang hilongtalilong na bakla ay kanyang napagtanto na nasa bulsa pala nya ang 100 peso cellphone (Bangag at adik lang ateh)! Isang di kilalang numero ang lumitaw sa kayang “missed call” window. Tatawagan sana nya kaya lang naalala nya na wala pala syang load. Inisip ng mabuti ni Edong kung sino sa mga inutangan nya ang may alam ng bago nyang cell number. Habang nililista nya sa kanyang palad ang mga pangalan ng mga taong inutangan nya noong linggo na yun, muling tumunog and cellphone nya ngunit imbis na tawag ang kanyang natanggap ay isang text.

At ito ang nakalagay:

“Mabuhay mother! Etechlavu ay isang chantalu. Bigkasin paatras ng sampung beses sa tono ng kantang wowowee habang nakaluhod sa asin – echuz lang mother! Powerful itik ateh! BASA! Gagah nde wet – “read!” putah ka basahin with feelings!

~ Anere sumere kemerekere! Asunta de Rossi hapi hapi Sam Milbe bekebeke! Kalachuchi gumamela bougainvillea nova villa! HA! ohhhhmmmmmm.”

https://bhloom.wordpress.com/2007/10/04/002-noong-unang-panahon/

Follow

Get every new post delivered to your Inbox.